Skip to product information
1 of 1

Mag-Ingat Sa Sampung Ahas Ni Machiavelli

Mag-Ingat Sa Sampung Ahas Ni Machiavelli

Regular price ₱199.00 PHP
Regular price ₱800.00 PHP Sale price ₱199.00 PHP
Sale Sold out
Taxes included.
Psychology
Quantity

Mag-Ingat sa Sampung Ahas ni Machiavelli: Ang Manual ng Survival sa Opisina, Pulitika, at Totoong Buhay

Alas-otso ng umaga. Unang araw sa bagong opisina. Naka-plantsang polo tatak LV galing divisoria, makintab ang sapatos na parang pinahiran ng mantika, naka porma, at may baong pangarap na "to change the world to become a better place".

Pagpasok mo sa pinto, sasalubong sa ’yo ang amoy ng pinaghalong lumang carpet at instant coffee na 3-in-1. Sabi nila sa orientation, "We are a family here." Doon pa lang dapat nagduda ka na. Kasi sa totoong buhay, kapag sinabing "family," ibig sabihin pwedeng i-overtime ang trabaho mo nang walang bayad, at kapag nagkaroon ng promosyon, iba ang tatayong panganay.

Habang abala ka sa pagiging mabait, tapat, at masipag, may sampung klase ng "ahas" sa paligid mo ang tahimik na gumagapang. Sila ’yung ngingiti sa harap mo habang dahan-dahang tinatabas ang sangang kinatatayuan mo.

Hindi ito libro para turuan kang maging masama. Libro ito para hindi ka magmukhang tanga.

Galing 'to sa mga prinsipyo ni Niccolò Machiavelli pero sinulat ko ng direkta, walang-prenong kwentong Pinoy, mula sa toxic na opisina, sa tusong ka-negosyo, hanggang sa mga tropang naaalala ka lang kapag may kailangan, ito ang magbubukas ng mata mo sa tunay na laro ng Power Dynamics bago ka pa tuluyang matuklaw.

Ano ang matututunan mo sa loob:

  • Ang Anatomy ng Sampung Ahas: Kilalanin ang bawat isa—mula sa Credit-Grabber na nag-present ng ideya mo, sa False Ally na kunwari kakampi mo pero chismis ang baon, hanggang sa Gatekeeper na pumipigil sa pag-asenso mo.

  • Mga Galawang Mukhang Inosente at Pa-cute Pero May Sungay: Paano malalaman kung ang "pabor" o "papuri" sa ’yo ay may nakatagong patibong.

  • Tactical Defense (Walang Drama): Paano protektahan ang trabaho, pera, at pangalan mo nang hindi ka nagmumukhang paranoid o palaaway.

  • Ito Dapat Alam Mo, Kailan Ka Dapat Umatras At Kailan Dapat Lumaban: Paano gamitin ang katahimikan at tamang tiyempo para mabaliktad ang sitwasyon nang hindi ka nadudumihan.

Para kanino ’to?

  • Para sa mga empleyadong pagod nang maging "mabait na talunan" sa opisina.

  • Para sa mga negosyante at freelancer na ayaw nang maisahan ng mga tusong kliyente o kasosyo.

  • Para sa sinumang gustong matutong bumasa ng tao bago pa huli ang lahat.

Format: Digital Ebook (PDF) — Instant download pagkatapos mag-checkout. Basahin sa cellphone, tablet, o laptop habang nagkakape o naghihintay ng sahod.

Hindi lahat ng nakangiti sa ’yo ay kaibigan. I-download na ang kopya mo bago ka pa matuklaw.

View full details